^

Bansa

129 OFWs mula Saudi, sinalubong ni DU30

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng Foreign Affairs at ang Labor Department ang sumalubong sa may 129 overseas Filipino workers na na-stranded matapos mawalan ng trabaho sa Al-Khobar, Saudi Arabia kahapon.

Ayon sa DFA, lumapag dakong alas-10:10 ng umaga ang mga OFWs lulan ng PAL flight PR-683 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 mula Saudi.

Pinagkalooban ni Pangulong Duterte ang mga umuwing OFWs ng tig-P5,000 mula sa sari­ling bulsa nito para sa pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya bukod pa sa P26,000 na bigay ng gobyerno bilang tulong sa kanila.

Inihayag din ni Duterte na pagkakalooban ng libreng pag-aaral ang mga anak ng mga umuwing OFWs mula sa Office of the President at ang nasabing financial assistance sa ilalim ng Pantawid Program ng gobyerno.

Siniguro naman nina Labor Sec. Silvestre Bello III at Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na hahabulin ng gobyerno ang mga employers ng mga OFW’s upang mabayaran sila sa unpaid salaries at separation pays.

Sinabi nina Bello at Yasay, kukuha ng abogado sa Saudi Arabia ang gobyerno upang tumulong na habulin ang mga employers na hindi nagbigay ng suweldo sa mga OFWs.

Nanawagan ang Pa­ngulo sa mga OFWs na tulungan siya sa paglaban sa ilega na droga.

“Welcome to your country. Tulungan niyo ako. Wala akong balak maging diktador,” anang Duterte sa mga OFWs.

Siniguro ng Pangulo na tatapusin niya ang sinimulan niyang giyera laban sa illegal drugs kahit magresulta pa ng kanyang pagkakakulong. Idiniin niya na hindi siya natutuwa na mayroong namamatay na kapwa Filipino sa inilunsad niyang drug war. Ellen Fernando, Rudy Andal at Butch Quejada

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with