^

Bansa

Pinay sa death row, ‘sasagipin’ ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang magagawa sa kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia sa kanyang pagbisita sa nasabing bansa sa susunod na buwan.

“I pray I can do something for her (Veloso),” wika pa ni Pangulong Duterte sa pagsalubong nito sa 129 OFWs na nawalan ng trabaho mula sa Saudi Arabia.

Sa kabila ng reprieve o pansamantalang pagpapaliban ng eksekusyon kay Veloso dahil sa pakiusap ng Pilipinas sa Indonesian government, hindi pa rin siya ligtas sa bitayan doon matapos na makulong at masentensyahan mula noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking.

Nakatakdang duma­law si Pangulong Duterte sa Indonesia sa Setyembre 8-9 pagkatapos nitong dumalo sa ASEAN Summit sa Laos mula Setyembre 6-8. Nabatid na unang bibisitahin ni Duterte ang Brunei sa Setyembre 4-5.

Samantala, nakahan­da rin si Duterte na maki­pag-usap kay US President Barrack Obama sa gaganaping ASEAN Summit sa Laos kahit sa isyu ng lumalaking bilang ng mga napapatay sa ini­lunsad ng giyera ng bansa laban sa illegal drugs. Ani­ya, dapat ay maunawaan muna ni Obama ang sitwasyon ng problema sa illegal drugs sa Pilipinas bago siya magbigay ng komento sa isyu ng human rights at extrajudicial killings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with