^

Bansa

Bato masasaktan sa extrajudicial killings ng ‘ninja cops’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Kahit gaano kasama, kahit gaano ako kagalit, mga tao ko pa rin ‘yan.”

Ito ang pahayag ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa tungkol sa mga “ninja cops” na mga nagre-recyle umano ng droga na nakukuha sa kanilang mga operasyon.

Inamin ni Dela Rosa na masasaktan siya kapag nasawi sa extrajudicial killing ang kaniyang mga tauhan sa kabila ng kanilang mga pagkakamali.

Sinabi ng hepe ng PNP na masakit para sa kaniya na ang mismong tauhan niya ang nagsisimula ng mga maling gawain. Aniya kung parurusahan ang mga ito ay dapat sa legal na paraan.

“Kailangan talaga silang ma-eliminate kasi sobra na ‘yung ginagawa nila. Sobrang kahihiyan, sobrang problema. But again tao ko pa rin ‘yan. Kahit gaano kasama yan, mga tao ko pa rin ‘yan. ‘Yung gusto kong mangyari sa kanila is legal na pamamaraan. Ayaw ko naman na isa-salvage yung mga tao ko,” pahayag ni Dela Rosa na kilala rin sa bansag na “Bato.”

“Kahit gaano kasama, kahit gaano kagalit ayaw ko naman na silang mamamatay sa pamamaraan na inconsistent with our sole duty to uphold the law, di’ba? Mga tao ko pa rin yan, masasaktan pa rin ako ‘pag sila'y namatay sa extra judicial. Gawin nating legal,”dagdag niya.

Hinimok din ni Dela Rosa ang publiko na isumbong sa kanila ang mga ninja cops. Nitong kamakalawa ay nag-alok ng P2 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga tiwaling pulis.

“Kung meron kayong impormasyon about dito sa mga tao na to, eh trabahuin natin. Gahaman sa pera ‘yang mga gago na ‘yan eh siguradong kakagat at kakagat yan sa buy bust operation. Sigurado ‘yan,” banggit ng hepe.

“Kung meron kayong alam na mga pulis diyan na nagre-recycle ng shabu, nanghuhuli tapos binebenta at nangongotong, tumatanggap ng pera galing sa mga drug lords, sabihin niyo satin at mayroon tayong P2 million ‘pag nahuli yan.”

Patuloy ang aksyon ng gobyerno laban sa ilegal na droga upang matupad ang pangako ni Duterte na malinis na bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with