^

Bansa

Digong pinakikilos sa Endo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang sa usapin ng droga dapat ipataw ang kamay na bakal kundi maging sa mga kumpanyang hindi tumitigil sa contractualization o end of contract (Endo).

Iginiit kahapon ni Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na nababalewala ang pangako na reresolbahin ang endo sa isyu ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay de Guzman,  50 araw na ang nakalilipas simula nang maupo si Duterte at nagbabala sa mga negosyante subalit walang kahit isang kapitalista ang naparusahan.

Kung kaya aniya ng Pangulong Duterte na iutos ang pagpatay sa mga sangkot sa droga dapat ay kaya din niya aksiyunan ang hinaing ng mga manggagawa. Nakakainip na umano ang aksiyon ng Pangulong Duterte samantalang isa ito sa kanyang mga pangunahing plataporma noong kampanya.

Aniya dapat na ipakita ni Duterte ang kanyang tapang laban sa mga kapitalista at malasakit sa mga manggagawa.

Sa pamamagitan ng  executive order ay agad mapapasunod ang mga kompanya na sumunod sa labor law.

Bunsod nito, ilulunsad ng mga militante ang signature campaign upang makalap ng isang milyong lagda bilang pagpapakita ng pagkakaisa na labanan ang endo na kanilang isusumite sa Oktubre 8 o  sa ika-100 araw ni Duterte sa Palasyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with