^

Bansa

Napapatay sa drug war, 895 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 895 katao na umano’y drug pushers ang napatay sa pinaigting na anti-drug war ng Philippine National Police (PNP) sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, ang nasabing bilang ay naitala mula Hulyo 1 sa unang araw ng pa­nunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang alas-6 ng umaga nitong Agosto 30.

Gayunman,  sa napatay na 895 drug pushers ay hindi pa dito kabilang ang mahigit 1,000 biktima ng summary executions na ayon sa pulisya ay kagagawan ng kanilang mga kasamahan sa sindikato ng droga na mga nagpapatayan.

Sinabi ni Carlos, nasa 12,920 naman ang nasakoteng mga drug pushers sa serye ng operasyon ng mga awtoridad.

Inihayag pa ni Carlos umaabot naman sa 626,368 ang mga nagsisukong drug personality kabilang dito ang 585,304 drug user at  nasa 41,064 mga drug pusher.

Sa serye ng operas­yon ng PNP, nasa 812 ang naisilbing mga warrant of arrest habang nasa 555,018 ang nakatok na mga kabahayan sa Oplan Tokhang sa ilalim ng Oplan Double Barrel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with