^

Bansa

Sa pagkakadawit sa illegal drug trade: De Lima inireklamo sa Senate Ethics!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa pagkaka-ugnay sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison, inireklamo ng isang abogado si Senator Leila de Lima sa Senate Ethics Committee.

Sa kabila nito, sinabi ni Senator Vicente “Tito” Sotto III na pag-uusapan pa lamang ng komite ang natanggap nilang reklamo mula sa isang Atty. Abelardo de Jesus laban kay de Lima  at wala pang katiyakan kung didinggin ito ng Senado.

Kahapon ay nagsagawa ng isang closed-door meeting ang komite kung saan ipinamahagi lamang sa mga miyembro ang kopya ng reklamo kaugnay sa diumano’y kaugnayan nito sa ilegal na droga. Posible namang hindi tumuon ang pagsisiyasat sa isyu ng “immorality” na ibinabato ni Pangulong Duterte laban kay de Lima dahil sa naging relasyon umano nito sa driver-bodyguard niyang si Ronnie Dayan.

Bukod kay Sotto, dumalo sa organizational meeting ay sina Senators Gringo Honasan, Ping Lacson at Riza Hontiveros.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni De Lima na hindi pa niya nakikita ang reklamo at hihintayin na lamang niya kung ano ang magiging pasya ng komite.

Sinabi ni de Lima na tiyak nitong isa na namang “harassment tactics” ang nasabing reklamo laban sa kanya.

Ibinunyag rin ni de Lima na nakakaranas siya ngayon ng ilang uri ng ‘harassment’ pero tumanggi siyang tukuyin kung ano ang mga ito.

Tiniyak naman ni Se­nate President Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi magpapa-apekto ang Senado sa nangyayaring “word war” sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Leila De Lima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with