Pinas kinondena ang missile launch ng NoKor
MANILA, Philippines — Kinondena ng Pilipinas ang panibagong missile launch ng North Korea at ang kanilang paggawa ng nuclear materials at nuclear testing.
"We reiterate our call on the DPRK to comply with its international obligations under relevant UN Security Council resolutions and commit to the process of constructive dialogue," pahayag ng Department of Foreign Affairs.
Nagpakawala ng missile ang North Korea nitong Agosto 24, isang araw matapos magsimula ang taunang military exercise ng Amerika at South Korea.
Nitong Abril hanggang Hunyo ay anim na ballistic missile ang isinagawa ng North Korea sa kabila ng kahilingan ng United Nations (UN) na itigil na ito.
Tinawag na “hostile act” ng UN ang pagpapakawal ng missile ng North Korea at kasabay nito ang panawagan nila na i-ban ito.
- Latest