^

Bansa

3 pagyanig sa bansa naitala ng Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakapagtala ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tatlong magkakasunod na pagyanig kahapon.

Alas 2:41 ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang 4.0 magnitude na lindol sa may 238 kilometro ng timog silangan ng Sarangani Davao Occidental.

Bago ito nakapagtala ang Phivolcs ng pagyanig na may lakas na 2.6 magnitude na lindol alas 2:35 ng umaga kahapon at ang sentro ng lindol ay nasa 007 kilometro ng hilagang kanluran ng Bayabas Surigao Del Sur.

Alas 12:49 naman ng madaling-araw kahapon ay naitala ang 2.2 magnitude na lindol sa may 11 kilometro ng timog silangan ng San Miguel sa Surigao del Sur.

Wala namang naiulat na pinsala sa mga tao at mga ari-arian ang naganap na magkakasunod na lindol. Wala ring aftershocks na naitala ang Phivolcs kaugnay sa naganap na mga lindol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with