^

Bansa

Peace talks sa Norway, mabunga – GRP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang unang bugso ng pag-uusap para sa kapayapaan sa bansa sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo.

Ito ang ibinalita ng peace negotiating panel ng gobyerno sa kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 mula sa Oslo, Norway kahapon.

Pinangunahan ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza ang grupo na duma­ting sa NAIA lulan ng Thai International Airways flight TG620 mula sa Oslo via Bangkok, Thailand.

Ayon kay Dureza, ang GRP at NDF na si Prof. Jose Maria Sison, chief political consultant ay sumang-ayon sa mga sumusunod: reaffirmation ng previous agreement, Reconstitution ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees [JASIG] List; Acceleration of the Peace Negotiations; Release of the NDF consultants; Amnesty Proclamation para sa mga bilanggo na nakalista sa pamamagitan ng NDF at indefinite unilateral ceasefire. ?

 Sinabi ni Dureza, ang bawat panig ay nagkasundo rin sa pagpapatuloy ng peace talks sa Oktubre 8-12, 2016 sa Oslo, Norway.

Sinabi rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III, pinuno ng GRP negotiating panel na ang bagong gobyerno ng Pilipinas ay naghahanap tungo sa pangwakas na kasunduang pangkapayapaan sa NDF dahil halos kalahating siglo na ang labanang nangyayari sa halos lahat ng lugar ng bansa.

Nagpasalamat naman si NDF peace panel head Luis Jalandoni kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pasiya nitong tapusin na ang kaguluhan sa pagitan ng gobyerno at puwersang rebelde. Aniya, ang pagpapalaya sa 21 consultant ng NDF ay mahalaga sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with