^

Bansa

Sa pagtawag na “Kangaroo Court’ ang Kamara: Alvarez bumuwelta kay Sen. De Lima

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuweltahan ni House Speaker Panta­leon Alvarez si Senador Leila de Lima dahil sa pagtawag ng senadora na “kangaroo court” ang Kamara de Representantes.

Giit ni Alvarez, ang ga­gawing imbestigas­yon ng Kamara sa isyu ng paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) ay walang ipinagkaiba sa imbestigasyon ng komite ni De lima sa Senado kaugnay sa mga nagaganap na summary execution o extrajudicial killings.

Babala ng Speaker, dapat mag-ingat ang senadora sa mga binibitawan nitong salita lalo na at kapwa sila miyembro ng legislative branch ng pamahalaan.

Taliwas sa akusasyon ni De Lima na siya lang ang target ng imbestigasyon ng Kamara, binigyang-diin ni Alvarez na may matibay na motibo ang kanilang gagawing imbestigasyon. Ito aniya ay ang malinawan kung paano nangyaring nakakalusot ang mga ilegal na droga sa pambansang piitan, at makagawa ng mga batas para mapigil na mangyari pa ito sa hinaharap.

Buwelta pa ni Alvarez kay De Lima, sa Department of Justice (DOJ) din naman nito ibabagsak ang resulta ng imbestigasyon sa extrajudicial killings dahil walang prosecutory power ang Kamara.

Paliwanag pa ng Speaker, mayroong kanya-kanyang function ang tatlong branch ng gobyerno at hindi dapat na magsapawan.

Tanong pa ng Speaker sa senadora, bakit kapag ang Senado ang mag- iimbestiga ay sa tingin nito ay tama subalit pag Kamara ay mali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with