^

Bansa

P2-M sa ulo ng ‘narco cops’ – alok ni Digong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaloob si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng P2 milyong reward sa bawat ulo laban sa mga tinaguriang “Ninja cops” at pulis na protektor ng mga sindikato ng illegal drugs.

Ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, ang pagbibigay ng pabuya sa mga magtuturo o makahuhuli sa mga tiwaling ala­gad ng batas na sangkot sa sindikato ng droga ay bahagi ng kampanya ng gobyerno upang tuluyang mawasak ang apparatus ng illegal drug trade sa bansa.

“I am inclined to place a reward on their head, the members of the “Ninja” or members of the police (PNP) who are protecting drug syndicates in this country. I am placing on their head, P2 million,” wika ni Pangulong Duterte. 

Sinabi ng Pangulo ma­katatanggap ng P2 milyong pabuya ang tipster ng mga tinaguriang Ninja cops na nagre-recycle ng mga drogang nakukumpiska sa drug operations at muling ibinebenta sa mga adik o ‘tulak’ ng droga.

Bunsod nito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na bilang na ang maliliga­yang araw ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng PNP kasunod sa anunsyo ng Pangulo na P2 milyong patong sa ulo ng mga “narco cops”.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa sa pamamagitan ng nasabing pabuya ay mapapabilis na ang paglilinis sa hanay ng mga “drug protectors” at Ninja cops na nagsisilbing batik sa imahe ng PNP.

Nawawagan din si Dela Rosa sa mamamayan na tumulong sa PNP sa kampanya ng pamahalaan kontra droga upang malinis ang hanay nito laban sa mga scalawags na sumisira sa tiwala ng publiko.

Tiniyak din ng PNP chief na ang lahat ng ibibigay na impormasyon ay “confidential” at sasailalim sa masusing validation procedures. Aniya, bukas ang PNP Text Hotline ?09178475757 ng 24/7 o 24-oras kada araw sa loob ng isang linggo para tumanggap at magproseso ng mga confidential information mula sa publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with