^

Bansa

CCTV kaysa death penalty

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na death penalty ang gamiting paraan para sa paglaban sa krimen, isinusulong ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na mas paigtingin na lamang ang paggamit ng closed circuit television (CCTV) bilang spy camera sa lahat ng pampublikong lugar.

Ayon kay Atienza, dapat na i-intensify at maglagay ng cctvs sa mga mataong lugar na posibleng may makuhaan na nagaganap na krimen.

Ang mga spy ca-me­­­­ras umano ay mas epek­tibo pa sa paghuli sa mga kriminal dahil maire-record ang krimen maging ang mukha o pagkakakilanlan ng suspek.

Giit pa ng mambabatas, praktikal na gamit ang CCTVs dahil kahit walang nagbabantay sa lugar ay makikita naman ang bawa’t galaw at mga kahina-hinalang tao sa paligid.

Ilang beses na rin umanong napatunayang malaking tulong sa mga awtoridad at mabilis na nareresolba ang krimen dahil sa mga spy cameras na nakalagay sa mga pampublikong lugar.

Sa tulong na rin  uma­no ng social media ay mabilis na naipapakalat ang impormasyon dahil na rin sa mga kuhang video mula sa cctvs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with