^

Bansa

AFP high alert sa pagtugis sa Maute Group na nakatakas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilagay na ng Armed Forces of the Philippines sa high alert ang kanilang hanay sa gitna ng pagtugis sa mga miyembro ng ISIS-ins­pired Maute Group na nasa likod ng paglusob sa Marawi City jail at pagtakas sa may 28 preso nito.

Ayon kay AFP spokes­man Brig. Gen. Restituto Padilla, ipinapakalat na nila ang larawan ng mga miyembro ng Maute Group sa mga security forces ng pamahalaan sa Maguindanao at Lanao makaraan ang jailbreak.

Tinatayang nasa 50-miyembro ng Maute Group ang lumusob sa Marawi City jail noong Sabado ng gabi upang iligtas ang walo nilang miyembro na naaresto noong August 22 sa checkpoint habang lulan ng sasakyan na kargado ng materyales sa paggawa ng bomba.

Kasama sa walong terorista ang 22 iba pang preso ang tumakas sa nasabing paglusob.

Sabi ni Padilla, nalulungkot anya ang buong tropa dahil matapos ang mahirap at matagal na operasyon sa pagkakadakip sa ilang miyem-bro ng Maute Group ay balik uli ang mga ito sa dating gawi dahil napatakas nila ang mga ito.

Gayunman, patuloy ang kanilang pagsisikap na muling maaresto ang mga bandido para ma-nagot sa mga krimeng ginawa nila sa bansa.

Ang Maute Group ay isang lokal na armadong grupo na nakikisimpa-tiya sa Islamic State   ay responsable sa ilang pagbobomba at mga insidente ng kidnapping sa Lanao del Sur.

Noong April 2016 ay pinugutan ng nasabing grupo ang dalawang  bihag na karamihan ay mga walang labang sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with