^

Bansa

Bagyong Dindo nakalabas na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong si Dindo subalit patuloy na pauulanin nito ang ilang bahagi ng bansa, ayon sa Pagasa.

Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, nahahatak pa rin ng bagyo ang habagat kaya naman makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang bahagi ng Ilocos at Cordillera regions, gayundin ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Inalerto rin ang mga nasabing lugar sa mga pagbaha at pagguho ng lupa. Inaasahan namang makararanas ng mga mahina at pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila pati na sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan at nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa pag-alis ni Dindo, wala na itong magiging epekto sa bansa. Maaari na umanong maranasan ang pagbuti ng lagay ng panahon sa Kamaynilaan bukas, Martes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with