^

Bansa

Ruler toy, nakalalason - EcoWaste

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang isang watch group ng toxic chemicals sa publiko, lalo na sa mga estudyante na huwag bumili ng nakalalasong ruler toy, na ibinebenta sa harapan ng iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila.

Ayon sa grupong EcoWaste Coalition, marapat na pagsabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak na umiwas sa pagbili ng mga naturang laruang ruler dahil sa taglay na mataas na konsentrasyon ng nakalalasong kemikal na lead.

Natuklasan ng grupo na ang toy ruler, na may Ninja Turtle character, at maaaring gawing wrist band at may kasama pang crayon eraser, ang ipinagbibili sa harapan ng mga paaralan sa halagang P5 lamang.

Gawa ito sa flexible metal sheet na binalutan ng manipis na colored plastic wrapper na may Ninja Turtle design, at mayroon ring pinturang dilaw.

Walang nakasaad na impormasyon hinggil sa manufacturer, importer o distributor ng produkto kaya’t nagpasya ang grupo na suriin ang mga ito ay natuklasang nagtataglay ang mga ito ng 47,000 parts per million (ppm) ng lead, na lampas sa itinatakdang limit nito na 90 ppm lamang.

“As a precaution against potential lead exposure, we advise parents not to allow their children to buy and use this toxic ruler that also functions as a wrist band,” panawagan pa ni Thony Dizon, Coordinator, ng Project Protect ng EcoWaste Coalition.

Nabatid na ang matagal na pagkalantad sa lead ay maaaring makapagdulot ng irreversible neurological damage sa tao, partikular na sa mga bata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with