^

Bansa

3-anyos isinako ng amain, todas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 3-anyos na totoy matapos itong isako ng kanyang amain habang hinayaan lamang ng ina kamakalawa sa Matina Crossing, Davao City.

Inihayag pa ng ti­yuhin ng biktima na si Cliffort Agustin na nakalabas ng sako ang kanyang pamangking si Kean Gabriel Mendoza matapos matanggal ang tali nito at humingi ng tubig subalit hindi pinagbigyan at hindi rin pinakain ng mga suspek bagkus ay isinako ulit.

Maraming beses na nahulog sa pinag­lagyan na lamesa dahil sa pagpupumiglas at maraming beses na ginawang upuan ng amain ang biktima na nasa loob ng sako at hindi rin pinakinggan ng ina ang ilang beses na pagmamakaawa ng anak na umiiyak.

Inamin naman ng ina na kanilang nalimutan si Kean na nasa loob pa rin ng sako kaya nang kanilang binalikan matapos maligo hindi na gumalaw ang bata.

Maging ang amain ay inaming sampung beses na niyang isinako ang bata bilang pagdisiplina sa kalikutan nito.

Gayunman, murder ang kasong kinakaharap ng amain na nakatakas habang parricide naman ang isinampang kaso sa ina nito kahapon na di-kinilala sa ulat na ngayon ay nakakulong na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with