^

Bansa

Gardiola itinalagang Metro Manila traffic czar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinalaga na kahapon ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade si PNP-Highway Patrol Group Acting Director P/Senior Supt. Antonio Gardiola bilang bagong traffic czar ng Metro Manila.

Ang pagtatalaga kay Gardiola ay matapos naman ang interagency council mee­ting na dinaluhan ng  mga opisyal ng PNP-HPG, Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office , Land Transport Franchising and Regulatory Board  kung saan nagkaroon ng presentasyon ng mga assets ang mga ahensya sa Camp Crame na naglalayong mabigyang solusyon ang malalang trapiko sa National Capital Region (NCR).

Kasabay nito, nangako naman si Gardiola na mag-iimplementa ng mga pamamaraan upang mabawasan ang paghihirap ng mamamayan at ang mga motorista sa daloy ng trapiko.

“Una maging maayos ‘yung daloy ng trapiko, pagalawin nang mabawasan ‘yung hirap ng publiko at ‘yung travel time nila,” pahayag ni Gardiola .

Nabatid na ang inter-agency ay binuo sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan kundi man mabigyang solusyon ang matinding problema sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila partikular na sa kahabaan ng 200 kilometrong EDSA.

Samantala, hiningi rin ng konseho ang tulong ng UP National Center for Transportation Studies upang i-assess kung ano pa ang mga repormang dapat maipatupad sa pagtugon sa problema sa trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with