^

Bansa

Bato, ‘di kumbinsido sa pagtanggi ng sumukong drug lord

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinong niloloko niya, tell it to the Marines! Ito ang naiiling na inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na hindi kumbinsido sa pagtanggi ng sumukong negosyanteng si Melvin Odicta ng Iloilo na hindi sila drug lord ng kaniyang misis na si Miriam Odicta.

Ang mag-asawang Odicta ay sumuko noong Huwebes ng hapon kay Interior and Local Government Secretary Ismael “Mike” Sueno na itinanggi ang paratang sa pagsasabing ‘massive disinformation ‘ lamang umano ito ng kanilang mga kalaban sa negosyo.

Nabatid na sinabi pa ni Odicta kay Sueno na may hawak din siyang drug matrix ng mga tiwa­ling pulitiko na kasabwat at patong sa mga drug lord ng Western Visayas Region partikular na sa Iloilo.

Ayon kay Dela Rosa , number 1 sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga drug lord sa Iloilo si Odicta kaya hindi siya kumbinsido sa paliwanag nito kung saan sinabi nitong dapat isalang ito sa masusing imbestigasyon.

Sa kaniyang pagbisita sa Iloilo kahapon ay inu­pakan ni Dela Rosa ang mag-asawang Odicta na kaniyang pinasaringan na umano’y kunwari’y sumurender sa Manila sa halip na sa kaniya gayong bibisita naman siya sa lalawigan.

Sa halip, sinabi ni Dela Rosa na wala sa mga taga Iloilo ang naniniwala na hindi sangkot sa drug trade ang mag-asawa.

Samantala, ang mag-asawa ay kinunan na ng testimonya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame kaugnay ng isyu sa drug trade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with