^

Bansa

6 tinodas dahil sa drug trade

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim-katao na isina­sangkot sa drug trade ang napatay na naganap na magkakahiwalay nakarahasan sa mga lungsod ng Pasay, Taguig at Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Base sa police report, napatay ang 29-anyos na biktimang si Lyndy “Dy” Sacayan matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kanyang bahay sa Sun Valley, Brgy. 47 sa Pasay City.

Natagpuan naman ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki sa Zone 3, Lot 8, Brgy. Fort Bonifacio sa Taguig City matapos itong pagbaba­rilin ng mga hindi kilalang lalaki.

Samantala, idineklarang patay sa Taguig-Pateros District Hospital si Christopher “Laduy” Alzona matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang lalaki.

Sa Col. Estacio Street, Brgy. Palingon sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki ang sinasabing notoryus na karnaper na si Mohiden Utto sa Purok 2, Brgy. Upper Bicutan sa Taguig City.

Natagpuan din ang dalawang bangkay ng lalaki na isa ay si Roberto “Bayawak” Pangilinan ng Phase 3, Block 11, Lot 34, Southville 3, Brgy. Poblacion sa Muntinlupa City.

Nabatid na si Pangi­linan ay binigti ng kable ng kuryente at binalot ang ulo nito ng sako habang ang isa pang bangkay ng lalaki  ay nakatali ang mga kamay at paa ng packaging tape at nakabalot ang ulo ng plastic bag saka tadtad ng saksak. 

Ayon sa Southern Police District (SPD), ang anim na biktima na pinatay ay pinaniniwalaang sangkot sa droga matapos makuhanan ang bawat isa ng ilang plastic sachet na may shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with