^

Bansa

Ceasefire ng government, NPA ‘indefinite’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Indefinite na ang ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF kasabay ng pagtatapos ng initial peace talks na ginanap sa Oslo, Norway.

Inanunsyo ni Labor Sec. Silvestre “Bebot” Bello III ang pagdedeklara na rin ng CPP-NPA-NDF ng indefinite ceasefire, sa pagtatapos ng kanilang initial peace talks sa Norway.

Si Bello ay kabilang sa mga pangunahing nakikipag-dayalogo sa mga opisyal ng rebeldeng grupo na idinaraos sa Oslo, Norway. Sa pagharap ng kalihim, hindi nito naitago ang kasiyahan sa positibong aksyon ng CPP-NDF.?

Matatandaang bago pa man ang pag-uusap ng mag­kabilang kampo sa Norway ay una nang nagdeklara ng tigil putukan si Pangulong Rodrigo Duterte.? Gayunman, bago umalis ang mga negosyador ng CPP-NFP sa Pilipinas, nagdeklara na sila ng isang linggong tigil putukan, na ngayon ay naging indefinite na.

Ilang punto na din ang napagkasunduan ng gobyerno at rebeldeng grupo tulad ng pagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng amnesty ang mga natitirang detenidong pulitikal, pagpapatibay ng dating nalagdaang kasunduan; reconstitution ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG) list at mga proseso para sa mga negosasyon, ang timeline para sa pagbuo ng mga nalalabing “substantive agenda” para sa usapan: socio-economic reforms, political and economic reforms, at ang end of hostilities at disposisyon ng puwersa kabilang ang Joint Monitoring Committee.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with