‘Wiretapped conversation’ ni De Lima, ‘lover’ ilalabas ni Digong
MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ng isang Malacañang official na “patikim” pa lamang ang mga ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Sen. Leila de Lima at nakatakda pa nitong ilabas ang “wiretapped conversation’ nito sa kanyang sinasabing driver-lover na si Ronnie Dayan.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, patikim pa lang ang mga ibinunyag ni Pangulong Duterte at paunti-unting ilalabas ng Pangulo ang iba pang hawak niyang ebidensiya kabilang na ang isang wiretapped conversation ng senadora sa kanyang driver-lover.
“Patikim pa lang yun. It does not remove and/or alter fact that there was a taped conversation, and there is truth to what you hear in that conversation,’’ wika pa ni Sec. Panelo.
Umaasa din ang Malacañang official na nakakatulog ng mahimbing si de Lima matapos ang ginawang pagdadawit dito ng Pangulo sa Muntinlupa connection sa inilabas na drug matrix kasunod ng birthday wish ng mambabatas na tantanan na siya ni Pangulong Duterte bilang regalo sa kanyang ika-57 kaarawan ngayong araw, Sabado.
“According to President Duterte, Senator De Lima has been having nightmares. So my birthday wish to the good senator is I hope she sleeps soundly tonight and thereafter,’’ wika pa ni Panelo sa mga reporters.
“Please, Mr. President...I’ll be 57 years old and still young. Sana po sa mga matitira ko pang mga taon dito, mahaba-haba pa naman ho siguro yan, God-willing, dito sa mundong ito, makabuluhan naman ang aking mga gagawin rather than ito na napipilitan akong sumagot sa mga kabulastugan na ito,” pakiusap naman ni de Lima kay Duterte sa panayam dito sa Senado.
- Latest