^

Bansa

SC tumutugon sa kaso ng droga, iba pang krimen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na  ginagawa nila ang mga nararapat na hakbang ng hudikatura para matugunan ang problema ng kriminalidad sa bansa, partikular na ang problema ng droga. Ito ang naging pambungad ni Sereno sa idinaraos na CJ meets the Press 2016 dito sa Intramuros, Maynila.  Aminado si Sereno na hindi kayang pigilan ng hukuman ang paglaganap, pagpasok sa bansa, bentahan at paggamit ng iligal na droga. 

Hindi naman daw kasi trabaho ng korte na kumalap ng intelligence, magpatupad ng batas at umusig ng kaso.  Hindi umano matutugunan ng Hukuman ang ugat ng kriminalidad.  Ang ipinagkakaloob umano ng Korte ay ang hustisya para sa estado at biktima kung may sapat na ebidensya para hatulan ng guilty ang akusado. 

Isa isang inilatag ni Sereno ang mga reporma sa hudikatura na kanilang ipinatutupad. Kasama na rito ang Judicial Affidavit Rule na nagdulot ng kabawasan sa oras ng pagprisinta ng testigo sa hukuman; ang Hustisyeah Decongestion Program na inilunsad sa Quezon City at nagpahusay sa disposition ng mga kaso sa nasabing lungsod, ang paglulunsad ng E-Courts kung saan maa­ring makita ng publiko ang estado ng kanilang kaso sa mga itinalagang kiosk sa ilang hall of justice at balak nang ipatupad sa 619 korte sa 2019.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with