^

Bansa

Bagyong Dindo, napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanatili ang lakas ng bagyong Dindo habang ito ay kumikilos papuntang timog kanlurang bahagi ng bansa.

Alas -11 ng umaga kahapon, si Dindo ay namataan ng PagAsa sa layong 1,005 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Itbayat Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras.

Si Dindo ay kumikilos pa timog kanluran  sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

Ngayong Biyernes, si Dindo ay inaasahang nasa layong 945 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Itbayat Batanes at sa Sabado ay inaasahang nasa layong 1,050 kilo­metro ng silangan hilagang silangan ng Itbayat Batanes.Sa araw ng Linggo, ang bagyong Dindo ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of responsibility (PAR)

Wala namang direktang epekto sa ating bansa si Dindo at hindi tatama sa kalupaan. Wala ding ibang bagyo na namamataan ang PagAsa na papasok pa sa bansa sa ngayon.

Maaliwalas naman ang panahon sa ibang panig ng bansa kasama na ang Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with