Malacañang planong tawaging People’s Palace
MANILA, Philippines - Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang Malacañang Palace at gawin itong People’s Palace.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa press conference nito kahapon ng madaling araw sa Davao City, ang mga Espanol ang unang nagbigay ng pangalang Malacanang.
“You know why? In the word “Malacañan,” it sucks with imperialism. Totoo. Sino man ang nagpangalan ng “Malacañang Palace”? Mga Español man yan. One day, I will rename it na “People’s Palace of the Republic of the Philippines,” paliwanag pa ni Duterte.
Aniya, tulad nang ipinagawa niyang parke sa Davao City ay tinawag niya itong Peoples Park kung saan ay ginastusan ito ng taumbayan ng P600 milyon.
- Latest