^

Bansa

De Lima: Drug matrix basura!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag naman kahapon na basura na maihahalintulad sa scrap paper ang drug matrix na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang press conference, ipinamahagi mismo ni De Lima sa media ang photocopy ng drug matrix at sinabing media na mismo ang sumuri bago siya tanungin.

 “Kaya nga pinaglaruan ito kanina ng mga staff ko.  May mga side comments sila dito. Kasi nga anong klaseng drug matrix ito? Anong klaseng matrix?” ani De Lima.

Sana aniya ay isang “more professional looking” ang ipinalabas na drug matrix at hindi katulad ng ipinalabas ni Duterte na kayang gawin ng kahit isang 12-taong gulang na bata.

 Sinabi pa ni De Lima lahat ng arrow sa nasabing matrix ay hindi tumuturo sa kanya at ang ilang pangalan dito  ay dati niyang naka-trabaho at yong iba ay hindi naman masasabing konektado sa kanya.

  “Lahat po ng arrow palabas sa pangalan ko. Wala pong tumuturo sa akin dito. Dalawa o tatlo sa ni-link sa akin doon ay dating mga ka-trabaho ko lang. Yong iba po ay hindi maituturing na malapit sa akin o konektado sa akin,” ani De Lima.

Lahat din aniya ng arrow sa nasabing matrix ay tumuturo kay dating governor at ngayon ay Pangasinan Congressman Amado Espino Jr.

“Lahat din ng arrow kung mapapansin ninyo ay tumuturo kay Governor Amado Espino. Pinapalabas ba nila na indirectly ay nagre-report ako o boss ko  si Governor Espino? Nakakatawa naman talaga ito. Nakakatawa sila.,” sabi ni De Lima.

Tinanong rin ni De Lima kung “joke” o bahagi ng isa sa mga jokes ng Pangulo ang nasabing drug matrix.

Sinabi pa ni De Lima na hindi na siya nasorpresa lalo pa’t nanggaling ang nasabing drug matrix sa taong nangako na sisirain siya sa anumang uri ng paraan.

Sinabi pa ni De Lima na ito na ang huling beses na magsasalita siya tungkol sa isyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with