^

Bansa

Drug matrix sa NBP, isiniwalat ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inilabas kahapon ng madaling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabi nitong ‘drug matrix’ ng mga sangkot na opisyales sa ‘Muntinlupa connection’ kung saan si Sen. Leila de Lima ang pinakamataas na government official.

Kasama din sa inilantad na matrix ni Pangulong Duterte sa press conference nito kahapon ng madaling-araw sa Davao City ang sinasabing dating driver-lover ni de Lima na si Ronnie Palisoc Dayan na may alyas na ‘Boss de Lima’ at ‘Case fixer’.

Naroroon din si da­ting DOJ Undersecretary Francisco ‘Toti’ Baraan III na trusted man ni de Lima at in charge sa supervision ng Bureau of Corrections. Isinangkot din ni Pangulong Duterte ang dating BuCor director na si retired Chief Supt. Franklin Bucayu.

Nakasaad din sa matrix na si de Lima ang lumakad upang maging regional director ng PNP sa region 1 si Bucayu at iniluklok naman ng dating DOJ chief bilang BuCor chief nang magretiro si Bucayu hanggang sa magbitiw ito sa puwesto matapos masangkot ang pangalan sa pagbibigay umano ng VIP treatment sa mga convicted drug lords sa NBP.

Kumokolekta ng monthly drug payola si Dayan mula kay Bucayu sa pamamagitan ni SPO1 Palisoc ng region 1. Kilalang drug user din daw sa Urbiztondo, Pangasinan si Dayan.

Binigyan ng house and lot ni de Lima ang kanyang former driver-lover bukod sa Montero, Kia sedan at pera. Inirekomenda din daw ni Dayan kay de Lima upang maging empleyado ng DOJ si Jonathan Candeso Caranto.

Si Dayan din na tinaguriang ‘case fixer’ ng mga local officials ng Urbiztondo na mayroong mga kaso. Palagi umanong nakikita sa sabungan si Dayan at ginagamit naman nitong dummy sa kanyang mga property si Ms. Cardenosa na empleyado ng Urbiztondo local government.

Nasa matrix din si Raffy Baraan na kapatid ni Usec. Baraan at nagsilbi bilang provincial administrator ng Pangasinan pero nasibak ng Ombudsman sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa black sand mining at quarrying. Siya rin ang trusted man ni former Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. sa mga illegal activities nito.

Nasangkot din sa matrix si former Gov. Espino na ngayon ay kongresista ng 5th district ng Pangasinan. Nakasuhan ito ng plunder subalit nakapagpiyansa.

Ayon umano kay Board Member Raul Sison na kaanak umano ni Dayan ay pinakamayaman na politician si Northern Luzon si Espino na may malaking ‘unexplained wealth’.

Magugunita na kamakalawa sa pagdalaw ni Duterte sa burol ng isang napatay na PNP official sa Taytay, Rizal ay ibinulgar din ng Pangulo na may bagong boyfriend na si de Lima sa katauhan ng isang nagngangalang Warren na kanyang motorcycle escort mula sa MMDA.

Iginiit pa ni Duterte na hindi retoke  ang sex video ni de Lima na kanyang hawak.

Aniya, wala namang problema kung sinuman ang maging karelasyon ni de Lima dahil annulled naman ito sa kanyang kasal tulad niya pero ang masama ay ang pagkakasangkot niya sa drug money sa NBP kung saan ay ginamit niyang collector ang kanyang former boyfriend na si Dayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with