^

Bansa

Smugglers binalaan ng BoC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga awtoridad ng Bureau of Customs sa mga  pinaghihinalaang smugglers, lalo na sa mga taong responsable sa pagpapadala ng ilegal na droga, bigas, sibuyas at iba pang mga pangunahing mga kalakal na ihinto ang kanilang mga pinaggagawa o harapin ang malupit na parusa ng batas.

“Itigil ang paglaganap ng droga sa bansa. Ihinto ang paggamit ng mga pasilidad ng gobyerno, kami ay hindi tumitigil sa paniniktik sa bawat araw, sa pagsubaybay sa iyong mga pagkilos at sa mga bigtime smugglers tinitiyak ko na sasampahan ko kayo ng kaso. “sabi ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Nakakumpiska ang BoC-NAIA, ng may 2000 tabletas ng ecstasy na may street value na  P3 milyon sa Central Mail Exchange Center [CMEC], galing Germany na dumating noong Mayo 7, 2016.

Sina Faeldon at Customs NAIA District Kolektor Ed Macabeo ang nagharap nang mahigit sa 500 gramo ng ecstasy tabs na inilagay sa dalawang plastic sachet na nakabalot sa brown envelop at dineklarang   “bitamina” ito. Ang mga pinagbabawal na gamot ay naka-consigned sa isang alyas Darwin Bernan­dino ng Novaliches, Quezon City ipinadala sa pamamagitan ng Legion Ltd. of Germany.
Sinabi Macabeo na drug sniffing dog ang nakaamoy ng mga tableta sa parcels.

Sasampahan ng kaso ang suspek sa paglabag sa ilalim ng batas na ipinagbabawal ng gamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with