^

Bansa

Sandra Cam may pasabog pa vs De Lima

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni whistleblower Sandra Cam na may mga pasabog pa siya sa  mga susunod na linggo laban kay Sen. Leila de Lima hinggil sa kaugnayan nito sa illegal na droga.

Ang paniniyak ay  ginawa ni Cam,  kasabay ng pahayag na vindicated siya sa kanyang ginawang pagbubunyag hinggil sa lawak ng operasyon ng iligal na droga sa Bureau of Corrections (BuCor).

Kahapon ay ipinakita ni  Cam sa kanyang pagdalo sa Manila City Hall Press Club Newsbreak na ginanap sa Cherry Blossoms Hotel ang kanyang galit kay De Lima nang sabihin nito na kahit saang impiyerno ay  sasamahan  niya ito.

Sinabi pa ni Cam kung agad naaksiyunan ang kanyang isiniwalat, agad  sanang  nasolusyunan ang usapin sa droga.

Binigyan diin ni Cam na wala siyang pakialam sa anumang elicit affair ng Senadora kong kani-kanino  pero nais lamang niyang patunayan  sa  lahat na siya ay konektado sa katiwalian sa loob ng BuCor at ano nangyayari sa droga at gaano ito kalala kung saan may direct link ito  sa kanyang driver/bodyguard at lover nitong si Ronnie Palisoc Dayan sa drug syndicate.

Hinamon din ni Cam ang iba pang Senador na pumigil sa kanyang magsalita noon upang isiwalat ang nalalaman nitong katiwalian lalo na sa droga sa loob ng BuCor na harapin siya ngayon.

“Hinihintay ko na lamang na ipatawag ako either sa  Senate or Kongreso..I want a fair and square kahit saang impyerno tayo sasamahan kita” gigil na hamon ni Cam kay de Lima.

Samantala, binatikos din ng whistleblower si Senator Antonio Trillanes sa ginanap na senate hearing kahapon dahil sinisilip nito ang operasyon ng PNP sa war against drugs na nakakapatay ng mga adik dahil nalalagay aniya sa panganib ang mga buhay ng mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with