^

Bansa

Parusa sa ‘no permit, no exam’ policy isinulong ni Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing krimen ang pagpapatupad ng “no permit, no exam” policy sa post-secondary at higher education kung saan hindi pinapayagang makakuha ng midterm o final exam ang mga estudyanteng hindi nakakabayad ng tuition at iba pang school fees.

Kung magiging batas ang panukalang inihain ni Senator Cynthia Villar , tatawagin itong “Anti-No Permit, No Exam Act of 2016”.

 Gagawing labag sa batas ang pagpapakuha ng permit sa mga estudyante para lamang makakuha ng midterm, periodic o final examination.

Pinuri naman ni Villar ang ginawang pagpapalabas ng Commission on Higher Education ng Memorandum Order 9 Series 2013 na nagbabawal sa 1,800 higher education institutions (HEI)  sa bansa sa pagpapatupad ng ‘No permit, no exam” policy.  Pero giit niya, kaila­ngang magkaroon ng batas para mapatawan ng parusa ang mga lalabag sa nasabing polisiya.

Sa ilalim ng panukala, magiging labag sa batas ang pagpilit sa mga estudyante na magbayad ng down payment o first installment sa enrollment pa lamang ng  mahigit sa 30% ng kabuuang tuition at iba pang school fees para sa buong semester o duration ng course. Sino mang HEI o tech-voc institute official o empleyado kabilang na ang mga deans, coordinators, advisers, professors, instructors na lalabag sa panukala kapag naging ganap na batas ay papatawan ng multang hindi bababa sa P100,000 pero hindi naman lalampas sa P200,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with