^

Bansa

Lindol sa Italy: 170,000 Pinoy ligtas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa ligtas na kalagayan ang may 170,000 Pinoy sa Italy  matapos na tumama ang 6.2 magnitude na lindol sa katimugang bahagi ng nasabing bansa kahapon.

Sa ulat na tinanggap ng Pilipinas sa Embahada ng Pilipinas sa Rome, wala pa silang natatanggap na ulat na may Pinoy na kabilang sa may 63 katao na nasawi, 150 nawawala sa pagtama ng lindol dakong alas-3:36 ng madaling araw (oras sa Italy) o alas-9:36 ng umaga sa Pilipinas. Pinangangambahan na marami pa ang na-trap at nalibing nang buhay  sa mga gumuhong gusali dulot ng malakas na pagyanig na naramdaman may 150 metro ang layo mula sa epicenter ng lindol.

Sinabi ng DFA na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada sa mga awtoridad upang matiyak na walang Pinoy na kasama sa naapektuhan ng lindol.

Base sa pagtaya ng US Geological Survey, ang 6.2 lindol ay tumama may 10 kilometro sa southeast Norcia, isang lalawigan sa Perugia, southeastern Umbria.

Nagkaroon ng 60 na aftershocks kabilang ang 5.5 magnitude, may apat na kilometro ang layo sa northeast Norcia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with