^

Bansa

Drug lords i-wiretap – panukala ng solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang magkaroon ng mas epektibong batas kontra sa illegal na droga, nais ni Surigao Rep. Ace Barbers na i-wiretap ang mga bigtime drug lords at pushers tulad ng ginagawa sa ibang bansa.

Sa ginanap na budget hearing ng Dangerous Drugs Board (DDB) kahapon, iginiit ni Barbers na dapat na isama sa pag-amyenda sa Republic Act 9165 ang wiretapping para mas epektibo ang ginagawang pagmamanman ng awtoridad sa mga hinihinalang drug lords at mga big time drug pushers sa bansa.

Paliwanag ni Barbers kay DDB Secretary Felipe Rojas,  ginagawa na ito ngayon sa Estados Unidos kaya dapat hikayatin nito ang Kongreso na isama ito sa pag-amyenda ng nasabing batas.

Nilinaw naman ni Rojas na suportado nila ang Kamara sakaling isama sa pag- amyenda ng R.A. 9165 ang wiretapping.

Kabilang din naman sa ipinaamyendahan ng DDB ang pagkumpiska sa mga pasilidad, gamit o maging ng gusali na mahuhuling ginagamit sa illegal na droga gayundin ang mga personal na ari-arian na ginagamit sa drug trafficking.

Sa kasalukuyang batas, ang kinukumpiska lamang ng mga awtoridad ay mga illegal na droga at mga gamit na drug paraphernalia.

Pinasasama din sa pag-amyenda ang plea bargaining agreement sa pagitan ng mga awtoridad at mga small time drug offenders upang maaresto ang mga high ranking members ng mga sindikato ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with