^

Bansa

Diaz pinarangalan pa sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinarangalan kahapon sa Kamara ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz na nagwagi sa Rio Olympics matapos makasungkit sa silver medal.

Ang parangal kay Diaz ay bunsod sa sangkaterbang resolusyon na inihain sa Mababang Kapulungan na naglalayong kilalanin ang kahusayan nito matapos tuldukan ang 20  taong pagka-uhaw ng Pilipinas sa medalya sa Olympics.

Tumanggap si Diaz ng plaque at gold plated congressional medal of distinction, ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Kamara.

Bukod dito, pinagkalooban din si Diaz ng P1.4 milyon na cash incentive ng mga kongresista.

Nagmistula namang rockstar si Diaz na pinagkaguluhan hindi lamang ng mga empleyado kundi ng mismong mga miyembro ng Kamara na nagkanya-kanyang selfie sa atleta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with