^

Bansa

130 parak positibo sa droga!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 130 pulis na isinalang sa drug test ang positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga partikular na ang shabu.

Kinumpirma kahapon ni PNP Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Emmanuel Aranas base sa resulta ng confirmatory test sa kabuuang 99,598 pulis na isinalang sa random drug testing.

Sinabi ni Aranas, pi­nakamataas ang ranggo sa mga nagpositibo sa drug testing ay Chief Inspector habang ang iba ay mga babaeng pulis.

Ang pagsasailalm sa random drug test sa PNP officers at mga enlisted personnels ay bahagi ng paglilinis ng pambansang pulisya sa mga gumagamit ng droga sa kanilang hanay o sa ilalim ng ‘zero tolerance policy’ laban sa bawal na gamot.

Tumanggi naman ang opisyal na isapubliko ang mga pulis na nagpositibo sa drug test.

Nilinaw na hindi pa ka­bilang sa 130 nagpositibo sa drug test ang mahigit 30 pulis na sumuko sa Camp Crame matapos na tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot at protektor ng illegal na droga. Una nang ibinulgar ni Duterte na 98 pulis ang sangkot sa illegal  drug trade.

 Sa kasalukuyan, ayon pa kay Aranas, hindi pa nakukumpleto ang random drug testing sa may 60,000 puwersa ng PNP.  Ang mga pulis na magpo-positibo sa drug test ay madidismis sa serbisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with