^

Bansa

Debate sa Cha-cha simulan na – Pimentel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na simulan na kaagad ang debate tungkol sa pagbabago ng Konstitusyon o Charter change.

Nilinaw ni Pimentel na ang kanyang partidong PDP-Laban ay matagal ng pabor sa pagbabago ng porma ng gobyerno mula sa isang unitary-presidential sa isang federal-presidential bilang solusyon sa hindi pantay-pantay na pamamahagi ng resources at hindi pantay-pantay na pagbabago sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Pero irerespeto pa rin umano ni Pimentel ang opinyon at paniniwala ng lahat ng senador sa isyu ng Cha-cha at federalismo at hindi niya ipipilit ang kanyang paniniwala sa iba. Nilinaw din ni Pimentel na ang kanyang trabaho bilang lider ng Senado ay matiyak na maririnig ang saloobin ng lahat dahil sila ang mga kinatawan ng mga mamamayan.

Maari na aniyang pakinggan sa pamamagitan ng debate ang saloobin ng mga senador sa isyu at saka na lamang magdesisyon sa pamamagitan ng botohan para sa ratipikasyon ng bagong Konstitusyon.

May mga naniniwala aniyang hindi na kinakailangan pang gawing pederalismo ang porma ng gobyerno at amiyendahan na lamang ang Local Government Code upang mabigyan ng mas pantay na resources ang mga rehiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with