^

Bansa

Dahil sa bakbakan ng AFP at ASG 17,000 katao nagsilikas sa Basilan, Sulu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 3,400 pamilya o kabuuang 17,000 katao ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan sa takot na maipit sa bakbakan sa opensiba ng tropa ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan at Sulu.

Sa ulat, nitong Biyer­nes ay anim na bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang 11 ang nasugatan sa pina­lakas na Focused Military Operations (FMO) sa nasabing mga lalawigan na balwarte ng mga bandido.

Kabilang sa mga nagsilikas na mga residente ay mula sa mga bayan ng Tipo-tipo, Al-Barka at Ungkaya Pukan sa Basilan  habang ang iba naman ay mula sa mga bayan na apektado ng sagupaan sa Sulu.

Nabatid na dalawa sa mga bandido ay napatay sa Basilan na mga tauhan ni Abu Sayyaf Commander Radzmil Jannatul, alyas Abu Khubabyb.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar upang masagip ang nala­labi pang mga hostages ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu. 

Kaugnay nito, namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng mga relief goods sa mga apektadong mga pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with