^

Bansa

Apela ni Jinggoy tinabla ng Sandigan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Senador Jinggoy Estrada na ibasura ang kaso nitong graft.

Sa pitong pahinang resolusyon ng 5th division, tinanggihan nito ang kahilingan ni Estrada na ibasura ang 11 bilang ng kasong katiwalian dahil sa kawalan ng merito.

Ang kaso ng dating Senador ay nag-ugat dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.

Paliwanag ng anti-graft court, ang impormasyon sa mga kasong graft laban kay Estrada ay hiwalay na impormasyon sa kanyang kasong plunder kaya hindi maaaring pag-isahin o pagsamahin.

Ipinunto ng prosekusyon, bagama’t iisa ang pinag-ugatan ng kasong plunder at graft ni Estrada, subalit sa ilalim ng batas ay dapat magkahiwalay pa rin itong litisin.

Sa inihaing mosyon noong buwan ng Mayo, iginiit ng kampo ni Estrada na ibasura na ang 11 counts ng kasong graft laban sa kanya dahil ang naturang mga alegasyon ay nakapaloob na rin sa nakabinbin nitong kasong plunder sa katulad na  dibisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with