^

Bansa

Huwag patayin Drug users, pushers hayaang sumuko - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pahalagahan ang buhay, huwag papatay.

Ito ang panawagan ni Digos Bishop Guillermo Afable at Radio Veritas President Father Anton Pascual sa dumaraming bilang ng mga napapatay dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ayon kay Bishop Afable, hayaang sumuko, magbago at magbayad sa krimen na nagawa o sa paggamit ng illegal na droga at huwag basta papatayin ang mga suspek.

Hinimok ng Obispo ang mga otoridad na makiusap, hulihin at ikulong ang mga pinaghihinalaang guma­gamit at nagbebenta ng illegal na droga subalit huwag magpadalos dalos na patayin.

Ipinaalala ni Bishop Afable sa mga law enfor­cers na sundin ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapayapaan lamang ang ninanais niya para sa ikauunlad ng mga Filipino.

Binigyan diin naman ni Father Pascual na ang pagpatay sa sinumang tao ay hindi maaring i-justify, labag ito sa moral decency at civility.

Iginiit ni Father Pascual na nararapat na igalang ninuman ang sagradong buhay ng tao.

“Christian humanism in the world shall absolutely respect every human person thus make the killing of anybody whether legal or illegal not justifiable and truly against moral decency and civility”, pahayag ni Father Pascual.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with