^

Bansa

Panukalang batas ni Lacson… kalaboso at multa sa pabayang anak sa magulang!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Sena­do ang panukalang batas na naglalayong masampahan ng kasong kriminal, at mapatawan ng multa ang  mga anak na mag-aabandona o magpapabaya sa kanilang mga magulang na wala ng kakayahan para alagaan ang sarili.

 Sa panukalang inihain ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na tatawaging “Parents Welfare Act of 2016”  sinabi nito na dapat magkatuwang ang gobyerno at ang mga anak sa pagkalinga sa mga matatanda ng miyembro ng lipunan.

“It cannot be over-emphasized that taking care of the elderly members of the society is not only the function of government, but rather it is a shared responsibility of government and the children of said elderly,” paliwanag ni Lacson.

 Ayon sa mambabatas, bagama’t sa ilalim ng Senior Citizen’s Act ay ginagawa ng pamahalaan ang obligasyon nitong pangalagaan ang mga matatandang pakalat kalat sa mga kalye, nasa mga anak pa rin ng mga ito ang pangunahing responsibilidad at pananagutan.

Nakakalungkot aniyang isipin ang katotohanan na sa kabila ng kultura ng mga Pinoy na pagiging mapagmahal sa mga magulang, patuloy sa pagdami ang mga matatandang nagpapalaboy-laboy na lamang sa kung saan-saan. Sa ilalim ng nabanggit na panukala, ang sinumang anak o mga anak na mapapatunayang nagpabaya sa mga mahihina nang mga magulang ay sasampahan ng kasong kriminal, pagmumultahin, ikukulong at oobligahin ng sustento batay sa kalkulasyon ng korte.
Ang sustento ay puwedeng lump sum, buwanang allowance o depende sa pagtantiya ng korte sa kakayahan ng anak o mga anak at kapag hindi nagawa sa loob ng anim na buwan ay papatawan sila ng P100,000 na multa at isa hanggang anim na buwang pagkabilanggo.
Ang mga anak na tuluyan mag-aabandona sa kanilang mga magulang ay papatawan ng multang P300,000 at pagkakulong ng mula 6-10 taon.
Nakasaad din sa panukala ang pagtatayo ng mga Old Age Homes para sa mga matatandang mahihina na sa mga lalawigan at pangunahing lunsod at ang bawat pasilidad ay may kakayahang kumalinga ng 50 katao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with