^

Bansa

Pag-convene sa Con-ass palulusutin ngayong 2016

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng liderato ng Kamara de Representantes na ilusot ngayong taon ang panukala para sa pag-convene ng Kongreso bilang Constituent Assembly (Con-ass).

Ayon kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, kakayanin nila ito dahil aminado naman umano ang lahat na kailangan ng amyendahan ang Konstitusyon. Subalit ang public hearing umano ng Con-Ass sa mga amyenda partikular sa pagbabago ng sistema ng gobyerno ay inaasahang mauumpisahan sa susunod na taon dahil magiging abala din sila sa pagdinig ng pambansang pondo

Siniguro naman ng Speaker na hindi nila imo-monopolya sa Con-ass ang diskusyon at debate sa Charter Change (Cha-cha) bagkus ay gagawin nilang inclusive ang proseso nito.

Paliwanag pa nito na sa ipapatawag nilang public hearing ay mag-iimbita sila ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Sa pagtaya pa ni Alvarez, sa taong 2019 ay maisasalang na sa ratipikasyon ang resulta ng trabaho nila sa Chacha, kasabay ng mid term election para walang dagdag gastos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with