^

Bansa

Dokumento ng newly-grad gawing libre - Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Grace Poe na gawing libre ang pagkuha ng mga dokumento para sa mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho.     

Sa panukalang inihain ni Poe, sinabi nito na hindi makatarungan na ang isang bagong graduate pa lamang sa kolehiyo at naghahanap pa lamang ng trabaho ay pagagastusin pa sa pagkuha ng mga dokumento.

“Sa hirap maghanap ng trabaho, hindi naman ma­katarungang lalo pa nating pahirapan ang mga bagong graduate sa pagkuha at pagbabayad ng mga dokumentong kanilang kailangan,” ani Poe. Layunin ng panukala ni Poe na tanggalin ang mga government fees sa mga dokumentong may kinalaman sa pag-aapply ng trabaho tulad ng NBI, police at barangay clearance at iba pang proof of identification. Dagdag pang pasanin aniya sa isang bagong graduate ang dami at mahal ng mga dokumentong kailangan nilang isumite.

 Kapag naging ganap na batas, kailangan lamang isumite ng aplikante ang kopya ng kanyang diploma, certificate o sulat mula sa institusyon kung saan siya nagtapos para ma-avail ang waiver sa mga bayad sa dokumento. Itatalaga din ang Commission on Higher Education (CHED), Civil Service Commission at Department of Interior and Local Government para gumawa ng rules at regulation ng nasabing panukala. Ayon sa CHED, tinatayang 542,000 ang nagtatapos ng kolehiyo kada taon mula 2010 hanggang 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with