^

Bansa

Hawak na ng DILG Ebidensya vs 2 ‘narco’ generals

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno na may hawak na silang ebidensya laban sa dalawa sa limang tinaguriang ‘narco’ generals.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Sueno na may hawak na silang ‘prima facie evidence ‘laban sa dalawang heneral upang masampahan ng kasong kriminal para malitis sa korte.

“Well, kay General (Marcelo) Garbo is out of the service so bahala na iyong korte. Ang tatlong generals na still on duty ready na kami sa dalawa,” pahayag ni Sueno.

“Kasi iyung dalawa nandito sa NCR so nakakuha na tayo ng mga ebidensya pero doon sa isa dahil outside of Metro Manila. So ang latest na sumbong sa akin they are now gathering and definitely we will come up evidences against itong sa tatlo”, pahayag pa ni Sueno.

 Ang mga dating nakabase sa NCR ay sina Pagdilao at Tinio na kapwa nauna nang itinanggi ang akusasyon.

 Kabilang sa mga heneral na sinasangkot sa pagbibigay proteksyon umano sa mga big time drug syndicates ay sina dating National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police director P/ Chief Supt. Edgardo Tinio; dating Western Visayas Police director P/Chief Supt. Bernardo Diaz; pawang mga aktibo pa sa serbisyo.

 Samantalang ang dalawang retirado na sa serbisyo na nahaharap naman sa kasong kriminal bukod kay Garbo ay si dating Chief Supt. Vicente Loot, na ngayon ay alkalde na ng Daanbantayan, Cebu. Si Loot ay dating director ng Police Regional Office (PRO) 2.

“Iyong may prima facie evidence na pwede na itry... pwede na start ang trial,” ang sabi pa ng opisyal.

 Inaasahan namang matatapos ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensya sa mga akusadong heneral sa susunod na linggo.

 “Maybe next week. Iyong isa fina-finalize pa namin. Maybe it will take us mga seven to 10 days pero nandun na,” ang sabi pa ng opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with