^

Bansa

Suspensyon sa celebrity dentist kinatigan ng SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipatutupad ang suspensiyon ng isang celebrity dentist na nahaharap sa  ‘dental malpratice’ kaugnay sa reklamo ng isang kliyente sa pumalpak na dental implant noong taong 2008.

Sa 2-pahinang reso­lusyon ng Supreme Court,  iginiit na pinal na ang kautusang nagbabasura sa petisyon ni Dr. Noel Velasco na mabaligtad ang naging hatol sa kanya na masuspinde sa trabaho bilang dentista.

“Acting on petitioner’s motion for reconsideration of the Resolution dated 1 February 2016 which denied the petition for review on certiorari, the Court resolves to Deny the motion with Finality, no substantial argument having been adduced to warrant the reconsideration sought,” saad ng reso­lusyon.

Una nang pinagtibay ng SC ang naging pagkatig ng Court of Appeals (CA) sa naging desisyon ng Dentistry Board ng Professional Regulatory Commission (PRC) laban kay Velasco. Sa pasiya noon ng  CA Special 11th Division,  ibasura ang petition for review na inihain ni Velasco at pinaboran ang kautusan noong May 8, 2012 at  Hulyo 25, 2012 na inisyu ng PRC Board.

Isang Norylyn Nibre ang nagreklamo kay Vleasco  na naengganyo umano sa mga flier at ads sa radio network subalit  palpak ang serbisyo sa kabila ng nakapagbayad na ng P100,000 at post dated checks naman sa balanse ng kabuuang si­ngil na P732,000 para sa apecoectomy  at  limang dental implants. Nanakit at namaga ang kanyang ngipin sa loob ng isang buwan kaya napilitan siyang umurong at bawiin ang naibayad. Gayunman,  tumanggi si Velasco sanhi upang irekalmo siya sa PRC. Napatunayan sa PRC na ‘guilty of being incompetent to practice as an oral surgeon and dental implantologist ‘ si Velasco at sinuspinde ng anim na buwan sa kanyang dental practice.

Nakita rin sa rekord na may iba’t-iba pang kasong kriminal kabilang ang kidnapping with ransom, at administratibo si Velasco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with