^

Bansa

Petisyon vs Philhealth ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema sa pamamagitan ng unanimous vote ang petisyon ng Kilusang Mayo Uno na kumukuwestiyon sa pagtataas ng Philhealth Premium Rate noong 2014.

Sa 13-pahinang desisyon na sinulat ni Justice Arturo Brion, tinukoy ng Korte Suprema na walang merito ang petisyon ng KMU laban sa tatlong circular ng Philippine Health Insurance Corporation na nagpapataw ng umento sa premium contribution rate para sa National Health Insurance Program.

Ayon sa SC, walang naging grave abuse of discretion o pagmamalabis ang Philhealth. Katunayan, naging makatuwiran pa umano ang Philhealth at sensitibo sa pangangailangan ng publiko nang iantala nito nang ilang beses ang pagtataas ng Philhealth contribution. Hindi rin umano maaaring makialam ang hukuman sa makatuwirang desisyon ng Philhealth na palawakin ang coverage ng kanilang programa na naging dahilan ng pagtataas sa contribution rate. Ito umano ay business judgement na hindi maaaring panghimasukan ng korte.

Kaugnay naman sa paratang na tumanggap ng P1.5 bilyong mga bonus ang mga matataas na opisyal at empleyado ng Philhealth noong 2012, iginiit ng SC na hindi nila maaaring panghimasukan ang hurisdiksyon ng Commissioner on Audit. Kung tutuusin, giit ng Korte Suprema na maling remedy ang agad na paghahain ng petisyon sa hukuman dahil ito ay ginagawa lamang kung wala nang ibang paraan ng apela na maaaring gawin. Wala rin umanong administrative supervision ang korte sa mga ahensya sa ilalim ng ehekutibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with