^

Bansa

Sa kampanya vs droga mga artista, rich kids isusunod!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusunod na ng pulisya sa pinaigting na anti-drug campaign ang mga kilalang personalidad sa showbiz at mga anak ng buena pamilya na pinaghihinalaang sangkot sa pagtutulak at paggamit ng anumang uri ng ipinagbabawal na droga.

Ito ang determinadong inihayag kahapon ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Sr. Supt Tomas Apolinario Jr.,  bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ng Philippine National Police (PNP) ang mala­lang problema ng pamahalaan sa illegal drugs sa loob ng tatlo-anim buwan.

Gayunman, tumanggi si Apolinario na tukuyin kung sino sa mga celebrities at anak ng mga mayayamang pamilya ang nasa drug watchlist ng pulisya sa pagsasabing darating na lamang sila sa puntong ito at wala silang sasantuhin sa operasyon.

Sinabi ni Apolinario na kabilang sa kanilang tututukan sa anti-drug operations ng PNP ay ang paglaganap ng mga tinaguriang party drugs tulad ng ecstacy.

Ginawa ni Apolinario ang pahayag  matapos na lima katao kabilang  ang ilang mga  kabataan ang nasawi mula  sa isang umano’y drug overdose sa isang ‘Summer Forever Concert” ng Close up sa isang mall sa Pasay City noong Mayo.

Maigting ngayong nakikipagkoordinasyon ang PNP sa mga party at concert organizers upang matiyak na hindi mapapasukan ng droga ang mga aktibidad na ito na karaniwang dinadaluhan ng mga mayayamang kabataan at mga artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with