^

Bansa

Banta ni Digong vs CPP-NPA: Bawi ceasefire!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - Nagbanta kahapon si Pangu­long Rodrigo “Digong” Duterte na kanyang babawiin ang idineklarang unilateral ceasefire sa Communist Party of  the Philippines –New People’s Army (CPP-NPA) kapag hindi nagpaliwanag ang nasabing rebeldeng grupo kaugnay sa pananambang sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) militiamen sa Davao del Norte.

“Are we into this truce or not? Kapag wala, tatanggalin ko. I am demanding an explanation sa NPA. Mag-aantay ako hanggang ngayong gabi (Huwebes),” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Camp Nakar kahapon.

Nagbanta rin si Digong na itutuloy na lang ang laban o pakikipag-giyera ng gobyerno sa mga rebeldeng NPA kapag nabigo silang magpaliwanag sa ibinigay nitong ultimatum sa mga lider ng CPP-NPA.

Magugunita na isang miyembro ng CAFGU ang nasawi at apat na iba pa ang malubhang nasu­gatan nang tambangan ng mga rebeldeng NPA ang kanilang convoy sa Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte kamakalawa .

Naganap ang ambush dalawang araw matapos ideklara ni Duterte ang tigil-putukan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at isang araw matapos suspindihin ng militar at pulisya ang opensibang operasyon laban sa NPA.

Iginiit ni Duterte na nais niyang parusahan o panagutin ng liderato ng NPA ang mga responsible sa ambush gaya ng ginagawa ng militar sa nagkasala nilang mga tauhan.

Matatandaan na inihayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na ang deklarasyong unila­teral ceasefire ni Pangulong Duterte ay dapat nakaugnay sa amnesty o pagpapalaya sa lahat ng political priso­ners at pag-alis ng tropang militar sa mga lugar ng mga Lumad at mga komunidad na impluwensiyado ng NPA. 

Kamakawala ay iniha­yag pa ng Pangulo na handa niyang bigyan ng safe conduct pass si Sison at ibang miyembro ng NDF para sa pagsisimula ng peace talks sa Oslo, Norway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with