^

Bansa

P100K pabuya alok ni Erap vs Quiapo road rage suspek

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mabalis ang pagtugis, nag-alok ng P100,000 si Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada sa makapagbibigay ng imporasyon sa kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa isang siklista.

Patuloy na hinahanap ngayon ang suspek na si Army reservist Von Martin Tanto o Vhon Tanto na pumatay kay Mark Vincent Garalde matapos magkainitan sa kalsada nitong kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Sa inilunsad na manhunt operation ay “dead or alive” ang pagtugis kay Tanto na nambiktima rin ng 18-anyos na babae na timaan ng bala nang paputukan niya si Garalde.

Nitong umaga lamang ay natagpuan sa Aritao, Nueva Vizcaya ang sasakyan ni Tanto na Hyundai Eon na ginamit ng suspek nang mangyari ang krimen.

Samantala, umaasa si Armed Forces of the Philippines Reserve Command chief Brig. Gen. Leoncio A. Cirunay na hindi madudungisan ni Tanto ang kanilang hanay.

“’Wag naman po sana maidamay yung honor ng mga reservist na tumutulong sa atin para po sa Armed Forces at para sa ating mga kababayan. Dapat sumuko at harapin niya ang kanyang mga responsibilidad at hindi naman po talaga siya ay nasa active service,” wika ni Cirunay sa dzMM na kinondena ang ginawa ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with