^

Bansa

Pagdinig sa ‘emergency power’ bibilisan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni Senator Grace Poe na magpapatawag agad siya ng public hearing upang mabilisan ang pagtalakay sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte upang  matugunan ang matinding problema ng trapiko sa bansa.

Sa Senate committee on public services na pinamumunuan ni Poe napunta ang panukalang batas tungkol sa pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo.

Binigyang-diin ni Poe na nararamdaman niya ang pagod ng mga mamamayan at  maging ang ekonomiya ay napa-paralyzed dahil sa matinding trapiko na nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ni Senator Ralph Recto na dapat ay FOI (freedom of information) complaint ang lahat ng impormasyon kaugnay sa mga proyekto, programs at kontrata na mabubuo sa ilalim ng emergency powers tungkol sa trapiko.

Nais naman nina Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon at Senator Ralph Recto na matiyak na may sapat na kasiguraduhan na hindi maabuso at mapo-protektahan ang interes ng gobyerno at mga mamamayan sa isinusulong na emergency power bill na inaasahang magiging daan upang mapabilis ang pagbibigay ng solusyon sa problema sa trapiko.

Sinabi nina Drilon at Recto na marapat lamang na mabigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng publiko. Dapat umanong maging “disadvantageous” sa mga mamamayan ang mga papasuking proyekto katulad na lamang nang ipasa ang Electric Power Crisis Act noong 1993.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with