^

Bansa

Imbestigasyon vs Leila sa droga, tuloy - Alvarez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itutuloy ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagpapaimbestiga kay Senador Leila de Lima kaugnay ng paglala ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Alvarez, masyado naman mukhang “guilty” si De Lima at gusto lamang nitong ipatunton sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung ano ang naging problema kaya nabigong sawatain ang droga sa NBP at sa halip ay lumala pa.

Ang pahayag ng House Speaker ay bilang tugon sa sinabi ni de Lima na dapat muna siyang mag-research sa kung ano ang mga nagawa ng huli laban sa droga sa loob ng Bilibid.

Giit ng Speaker, wala ng kailangang i-research sa bagay na ito dahil malinaw na malinaw na nananatili pa ring malaking problema ang illegal drugs sa bansa dahil sa patuloy na pagkilos ng mga drug lord sa loob ng pambansang piitan.

Ang gagawing imbestigasyon ng Kamara ay kasunod ng mga ulat na nagdadawit kay de Lima sa suspected drug lord na si Herbert Colangco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with