^

Bansa

Noy inisnab si GMA sa NSC meeting

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inisnab ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos magkita sila sa National Security Council (NSC) meeting sa State Dining room sa Malacañang kahapon.

Kinamayan ni Aquino si dating Pangulo at Manila Mayor Jospeh “Erap” Estrada  gayundin si Pangulong Duterte ng dumating ito sa Malacañang pero hindi nito kinamayan si Rep. Arroyo bago magsimula ang NSC meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunita na ang administrasyon ni Aquino ang nagsampa ng plunder case kay Rep. Arroyo hanggang sa makulong siya sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa loob ng apat na taon.

Naghain ng demurrer to evidence ang kampo ni Arroyo sa Korte Suprema kaugnay sa plunder case nito sa Sandiganbayan hanggang sa katigan ito ng mga mahistrado sa botong 11-4 na tuluyang nagbasura sa kasong pandarambong nito.

Kinuwestyon pa ni PNoy sa isang statement ang naging desisyon ng High Tribunal na nagpalaya kay Mrs. Arroyo noong nakaraang linggo.

Dumalo si Rep. Arroyo bilang former president sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa joint session ng Kamara at Senado noong Lunes habang hindi naman dumalo si Aquino.

Nagpatawag ng NSC meeting si Pangulong Duterte upang rebuyihin at pag-aralan ang kinakaharap na security problem ng Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea at illegal drug trade sa bansa gayundin ang kriminalidad.

Dumalo din sa national security council meeting kahapon ang ilang miyembro ng Gabinete, opisyal ng military at pulis gayundin sina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez kasama ang majority at minority leaders ng Kongreso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with