DepEd Order 42, pahirap sa guro ibinasura
MANILA, Philippines – Ibinasura na ng Department of Education ang DepEd Order 42 na nagiging pahirap sa mga guro sa buong bansa.
Pinapurihan kahapon ng ACT Teachers Party-list si Education Secretary Leonor Briones dahil sa ginawang pag-abolish sa ipinatutupad na daily lesson logs (DLL) order. Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, suportado nila ang desisyon ni Briones na nagbabasura sa DepEd order 42. “We support the earlier announcement of DepEd Sec. Leonor Briones on abolishing the order released for making Daily Lesson Logs (DLL), or the DO (DepEd order) 42, s. 2016 and use the teacher and learner manual instead,” ayon sa statement ng Act Teachers.
Sa nasabing order na ginawa ni dating DepEd Sec. Armin Luistro, maraming umangal na mga guro dahil kalbaryo lamang umano sa kanila ang paggawa ng may 10-pahinang lesson plan araw-araw. Anila, imbes na nagpapahinga sa kanilang bahay mula sa pagtuturo sa paaralan ay napupuyat pa sila paggawa ng lesson plan nang walang karagdagang kompensasyon.
- Latest